Tuesday, November 18, 2008

Dean-iniDEMONYO ka ba?

Dean-iniDEMONYO ka ba?

Ako kasi oo!!! Alam ko namang mababa lamang ang sinusweldo ng mga guro sa ating paaralan, ngunit hindi ito nangangahulugang hindi na nila dapat gawin ang nararapat nilang serbisyo para sa ating mga estudyante. Unang-una ito ang pinili nilang pag-aalayan ng kanilang mga napag-aralan, kaya hindi natin kasalanan kung mababa man ang sweldo nila. Sana lamang ang mga Propesor at gurong ito ay mag-sipag at ibigay ang dapat na kaalamang kanilang dapat ibahagi.

Bkit ko nga ba ito sinasabi?... Nakakainis isipin na magkakaroon ka ng gradong alam mo namang hindi mo pinaghirapn. HINDI KAMI TULAD NG IBANG ESTUDYANTENG MAS GUSTO ANG WALANG GINAGAWA KAYSA SA MAY MATUTUNAN. AH! oo nga pala meron pala kaming gagawin ayon sa knya... magkuyakoy. tama! yan ang kanyang sinabi na gagawin ng mga natitirang hindi niya napiling sumali sa gagawing PRODUCTION... Nakakainis isipin na wala na nga kaming gagawin, hindi niya pa tuturuan ang mga naiwang estudyante. Ano pang silbi ng kinuha naming course under niya???? Ang matutunan lang ba tlga namin ay mag-kuyakoy. "Wala akong pakialam sa inyo," iyan ang isa sa mga salitang tumatak sa utak ko. Nasaan ang Student Empowerment sa ganitong sistema ng mga mas nakatatanda. Kung sinong propesor siya ang tama? Damn it... %&*^%%^*#$$%^&#W@...

Isa lang naman ang gusto ko, at iba pang umaasang estudyante sa kanya... Ang may matutunan. Alam naman nmin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa pwesto ka lalo pag gumagawa ka ng Production, pero tinuturuan pa rin dapat ang estudyante.

Tama nga ang mga sinasabi sayo ng mga dati mong estudyante... Walang matutunan mula sayo. Tangi ko lang naririnig sa iyo yung British accent mong hindi naman maganda ang pagkakabigkas. Da HECK!!!!

Hindi ko nilalahat ng guro, propesor , maestro o kung ano pa man. MAtatalino kayong lahat kaya kayo nakaabot sa ganyang posisyon sa buhay. Pero hindi maiiwasan na may sisira sa pangalan ng mga gurong sana'y naglilinang sa mga susunod na aasahan ng bagong henerasyon. Hindi ko nilalahata, dahil marami na akong nakilalang mga teachers na talaga nmang binibi8gay lahat ng kanilang makakaya. yung tipong makasusundo mo. Madali mong makakausap. at pangalawang magulang mo na. Masayang mag-aral, magiging madali at napaka-gaan unawain ang isang lesson lalo na kung malapit din sa iyo ang nagtuturo sa iyo.

No comments: